Sabado, Enero 3, 2015


Ang pagkatuto ay hindi nagsisimula sa pagtapak ng isang mag-aaral sa paaralan. Ang pagkatuto ay hindi nagtatapos sa isang apat na sulok ng silid-aralan. Ang pagkatuto ay hindi lamang nakatuon sa guro at sa kanyang mag-aaral. Bagkus ito'y nagsisimula sa kapiligiran at mga taong nakakasalamuha at kinalakhan nito. Hindi natatapos ang pagkatuto sa isang silid-aralan dahil doon lamang nagsisimula tungo sa pagkatuto. Ito'y walang pinipiling lugar, oras, panahon, edad o maging kasarian. Ang pagkatuto ay hindi lang nakasentro sa guro at mag-aaral sapagkat may mga iba pang kasangkot dito. Ikaw, ako, sila. Tayo. Lahat tayo kasangkot. Dahil ang buhay ay isang patuloy na proseso ng pagkatuto.
  • Linangin at pahusayin ang apat na kasanayan sa epektibong komunikasyon—pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat. Magbunsod ng mas marami at mas malalim na partisipasyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga interaktibo at komunikatibong gawain. Paigtingin ang aktibong pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang mga kawili-wiling akdang nagtatampok ng iba't ibang genres. Gawing malinaw at malalim ang pag-unawa ng mga mag-aaral gamit ang mga pagsasanay na kasunod ng mga akda

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento