Rochelle B. Evangelista
II-BSEd Filipino
Take Home Quiz
1. Balik tanawin ang mga teoryang tinalakay sa pagtatamo at pagkatuto ng wika. Maglahad ng apat na mahahalagang implikasyon ng mga ito sa isang pangklaseng wika.
>
2. Sa tulong ng inyong mga pagbabasa at talakayang pangklase, maglahad ng mga gawaing makatutulong nang malaki upang mapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pakikipagtalastasan. Tukuyin kung alin ang pagkatuto at pagtatamo o akusisyon.
>Nararapat lamang na maglatag ang guro ng mga gawaing makatutulong nang malaki upang mapaunlad ng mag-aaral ang kakayahan sa pakikipagtalastasan. na rin rito ang pagkakaron ng debate sa paksang tinatalakay upang malinang ang kakayahan ng mag-aaral na mag-isip at ibahagi ang ideya tungkol sa paksa.
3. Ano anong mga estratehiya ng guro sa loob ng klasrum upang matamo ang pagkatuto ng wika?
>Isa sa mahalagang estratehiya ng guro ay ang motibasyon na inihanda nito sa pagpukaw ng interes ng mag-aaral na mag-isip at matuto ng wika. Dapat ring maghanda ang guro mga gawaing makatutulong hindi lamang matuto ng wika ngunit pati maging isang mag-aaral na may abilidad at tiwala sa sarili.
4. Bakit sinabi na ang wika ay nakaugat sa ating karanasan?
> Ang wika ay nakaugat sa ating karanasan sapagkat ang buhay ay isang patuloy na proseso ng pagkatuto.Ang ating karanasan sa araw-araw ay nagsisilbing tulong upang mapaunlad natin ang ating kasanayang pangwika. Habang tayo'y lumalaki, marami tayong nalilikom na karanasan na nagpapalaki rin ng ating kaalaman patungkol sa wika.
5. Paano nalilinang ang kasanayang pangwika sa loob at labas ng klasrum?
>Nalilinang ito hindi lamang sa apat na sulok ng silid-aralan sapagka may malaking impluwensya ang kapaligirang kinalakhan ng bata. Ang klasrum na kung saan nabibigyan ang mag-aaral na maikipagtalastasn sa talakayan ng klase ay maituturing na tulong sa pagtamo at pagkatuto ng wika.
6. Naniniwala ka ba na mas madaling matuto ng wika ang mga batakaysa sa may edad na? Bakit o bakit hindi?
>Hindi. Sapagkat ng lahatr n tao ay may kakayahang matuto ng wika bata man o may edad na. Nakadepende na lamang ito sa kapaligirang ginagalawan nila. Ang mga ma-aaral na nailantad sa mga babasahin ay maaaring ma malaki ang kakayahang matuto ng wika.
7. Anong mga salik ang nakahahadlang sa mabisang pagtatamo ng wika ng mga bata lalo na ng mga may edad na?
>Ang tagal ng pagkawili at intelektwal na pag-unlad ay maaring makaapekto sa pagtatamo at pagkatuto ng wika sa bata man o may edad na. Kapansin-pansin ang kaibahan ng may edad sa mga bata ay ang tagal ng pagkawili. Dapat ring isaalang-alang ang limitasyon ng pang-unawa.
8. Anong mga paraan ang dapat isaalang-alang sa pagkatuto sa mga may edad na?
> Sa
pagtuturo sa mga may edad na, kailangan ay tandaan palagi na hindi sila mga batang musmos at iwasan
ang madaling isipan na ito. Pare-pareho tayong may gulang na at karapat-dapat lamang na patas ang
trato natin sa isa't isa.Hanggat maaari'y gisingin ang lahat nilang pandamdam upang ang klase'y maging masigla at laging my buhay. May taglay na rin silang malalim na pag-unawa kaya't hindi na masyadong kritikal ang pag-iintindi nila.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento