Sabado, Enero 3, 2015
Reflection ko ito
Bilang isang guro ng hinaharap, natutunang kong nararapat lamang na hayaan ang mag-aaral na makibahagi sa talakayang pangklase. Kailangan rin ng interaksyon hindi lamang sa pagpapahayag ng sariling ideya kundi sa pag-unawa rin sa ideya ng iba. Tulad ng pagkatutong tulung-tulong, ang pagkatutong interaktib ay nangangailangan rin ng mga kasangkot upang maging matagumpay ang pagkatuto. Ito ay sama-samang pagtuklas ng mga impormasyon at kaalaman tungkol sa wika. Nangangailangan rin ito ng interaksyon sa pagitan ng guro at kanyang estudyante upang ang pagkatuto ay maging mabisa. Kung ang guro ay may nakuhang fidbak mula sa kanyang estudyante ay nangangahulugang naging matagumpay ang kanyang pagtuturo gayundin sa pagkatuto ng mga estudyante. Halimbawa na lang sa tuwing may diskasyon ang guro, nararapat lamang na magkaroon ng palitang kuro sa pagitan ng guro at mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagtatanong ng guro ng mga bagay na kinalaman sa kanilang tinatalakay, maaaring magbigay ng ideya ang mag-aaral kung tungkol ba saan ang paksa. Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng ideya ng guro kung ano pa ang dapat malaman ng mag-aaral. Nararapat ring gumawa ang guro ng isang gawain o isang aktibiti na magpapalahok sa mga mag-aaral upang malinang rin ang kanilang pakikisalamuha sa kanilang kamag-aral. Iang halimbawa na rin ng pagkatutong interaktib ay ang pagbabasa ng isang aklat na kung saan ang mambabasa ay nagkakaroon ng interaksyon sa awtor ng aklat.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento