Panghalip Pamatlig: Uri at Kaukulan
Ang panghalip pamatlig ay mga panghalip na inihahalili o ipinapalit sa pangngalang itinuturo o inihihimaton.
Mga Uri at kaukulan ng Panghalip Pamatlig
· Pronominal – pamalit at nagtuturo sa ngalan ng tao o bagay
Tatlong Pangkat ng Pronominal:
Anyong ang (Paturol)
Ito, iyan, iyon
Anyong ng (Paari)
Nito, niyan, noon
Anyong sa (Paukol)
Dito, diyan, doon
1. Panawag-Pansin – ginagamit sa pahihimaton o pagtuturo sa kinalalagyan ng pangngalan na maaaring malapit sa nagsasalita, sa kinakausap, o sa pinag-uusapan
Halimabawa:
(h)eto, (h)ayan, (h)ayun
2. Patulad – pinaikling anyo ng gaya na nagpapahayag ng pagkakatulad ng tinutukoy ng nagsasalita
Halimabawa:
Ganito (gaya nito - ganito)
Ganyan (gaya niyan - ganyan)
Ganoon/ gayon (gaya noon - ganoon) / (gaya niyon - gayon)
3. Panlunan – pinaikling anyo ng nasa ay ng anyong ang ng pamatlig
Halimbawa:
Narito/nandito
Nariyan/ nandiyan
Naroon/nandoon
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento