Rochelle
B. Evangelista Marka:
II-BSEd
Filipino Intro sa Pag-aaral ng
Wika
Pagkatutong
‘di Natatapos
Ang pagkatuto ay hindi nagsisimula sa
pagtapak ng isang mag-aaral sa paaralan. Ang pagkatuto ay hindi nagtatapos sa
isang apat na sulok ng silid-aralan. Ang pagkatuto ay hindi lamang nakatuon sa
guro at sa kanyang mag-aaral. Bagkus ito'y nagsisimula sa kapiligiran at mga
taong nakakasalamuha at kinalakhan nito. Hindi natatapos ang pagkatuto sa isang
silid-aralan dahil doon lamang nagsisimula tungo sa pagkatuto. Ito'y walang
pinipiling lugar, oras, panahon, edad o maging kasarian. Ang pagkatuto ay hindi
lang nakasentro sa guro at mag-aaral sapagkat may mga iba pang kasangkot dito.
Ikaw, ako, sila. Tayo. Lahat tayo kasangkot. Dahil ang buhay ay isang patuloy
na proseso ng pagkatuto
Ang pagkatutong interaktib ay may layuning
tulungang hikayatin ang estudyante na maging parte o bahagi sila sa talakayang
pangklase na imbes na maging isa lamang silang tagapakinig na tahimik na
nakaupo sa kanilang upuan habang nagsusulat sa kanilang kwaderno o imemorya ang
mga kaalaman na nakalap sa paksang tinalakay ng guro. ang mga estudyante ay
kailangang magkaroon ng interaksyon hindi lamang sa pagitan ng guro at
mag-aaral kundi pati sa kagamitang panturo na ginagamit ng guro sa pagtuturo.
ang paghikayat sa estudyante na maging aktibo sa gawaing pang-paaralan at
magamit ang imahinasyon at mapatibay ang kanilang kritikal na pag-iisip. Ang pagkatutong interaktib ay may
layuning linangin at
pahusayin ang apat na kasanayan sa epektibong komunikasyon—pakikinig,
pagsasalita, pagbasa, at pagsulat.
Magbunsod ng mas marami at mas malalim na partisipasyon ng
mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga interaktibo at komunikatibong gawain.
Paigtingin ang aktibong pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang mga kawili-wiling
akdang nagtatampok ng iba't ibang genres. Gawing malinaw at malalim ang
pag-unawa ng mga mag-aaral gamit ang mga pagsasanay na kasunod ng mga akda
Ang mga kaibigan,
kaklase, guro at mga taong nakakasalamuha at pagkakaroon ng gawain ay
nagpapatibay ng kanilang komprehensyon sa paksa. Ang pagkatutong
interaktib ay nagbibigay sa lahat ng estudyante ng oportunidad na matuto ng
pangkatan at maipakita ang kanilang kagalingan, abilidad at karanasan upang
malinang ang kanilang proseso ng pagkatuto. Maaari ring gumamit ang mga guro ng
mga makabagong kagamitang panturo at estratehiya upang mas mahikayat ang
estudyante hindi lamang para makinig sa leksyon, makibahagi sa talakayan
kundi matuto. Matuto sa sarili, makisalamuha sa iba at matuto ng malaya. Ito
rin ay makatutulong upang mas lalong mapalapit ang bawat estudyante sa isa't
isa. Ang layunin ng isang guro ay hindi lamang para magturo sa kanyang
estudyante bagkus siya rin dapat ay natututo sa kanyang estudyante. Mahalagang
malaman ng guro na hindi lang siya nagtuturo, siya rin dapat ay handang
tumanggap ng pagkakamali, handang tumanggap ng krisitismo, handang makinig sa
anumang oras at handang maging kaibigan sa anumang pagkakataon. Mahalaga ring
malaman ng guro na hindi lamang siya nagtuturo o nagbibigay kaalaman bagkus
nararapat rin siyang maging parte o bahagi ng pagbuo ng pagkatuto at kaalaman
sa silid-aralan, at pag-gabay sa mga estudyante na matuto para sa sarili at sa
kanilang sarili. Bilang isang guro ng hinaharap,
natutunang kong nararapat lamang na hayaan ang mag-aaral na makibahagi sa
talakayang pangklase. Kailangan rin ng interaksyon hindi lamang sa pagpapahayag
ng sariling ideya kundi sa pag-unawa rin sa ideya ng iba.
Tulad
ng pagkatutong tulung-tulong, ang pagkatutong interaktib ay nangangailangan rin
ng mga kasangkot upang maging matagumpay ang pagkatuto. Ito ay sama-samang
pagtuklas ng mga impormasyon at kaalaman tungkol sa wika. Nangangailangan rin
ito ng interaksyon sa pagitan ng guro at kanyang estudyante upang ang pagkatuto
ay maging mabisa. Kung ang guro ay may nakuhang fidbak mula sa kanyang
estudyante ay nangangahulugang naging matagumpay ang kanyang pagtuturo gayundin
sa pagkatuto ng mga estudyante.
Halimbawa na lang sa tuwing may diskasyon ang guro,
nararapat lamang na magkaroon ng palitang kuro sa pagitan ng guro at mag-aaral.
Sa pamamagitan ng pagtatanong ng guro ng mga bagay na kinalaman sa kanilang
tinatalakay, maaaring magbigay ng ideya ang mag-aaral kung tungkol ba saan ang
paksa. Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng ideya ng guro kung ano pa ang dapat
malaman ng mag-aaral. Nararapat ring gumawa ang guro ng isang gawain o isang
aktibiti na magpapalahok sa mga mag-aaral upang malinang rin ang kanilang
pakikisalamuha sa kanilang kamag-aral. Ilang halimbawa na rin ng pagkatutong
interaktib ay ang pagbabasa ng isang aklat na kung saan ang mambabasa ay
nagkakaroon ng interaksyon sa awtor ng aklat.
Ang pagkatuto ay walang pinipiling lugar, panahon, edad,
oras, kasarian o katayuan sa buhay. Ang pagkatuto ay para sa lahat. Dapat
isaisip natin na tayo ay pumapasok hindi dahil sa kariwasaang ating makakamtan
sa hinaharap, kundi dahil nais nating magkaroon ng kaalaman. Kung pumapasok
tayo sa paaralan dahil napipilitan lamang tayo, maaaring nga tayong makatapos
subalit malaki ang posibilidad na hindi natin magagamit ang ating mga
natutuhan. Magiging pansamantala lamang ang mga ito dahil ang mga bagay na
ipinilit malaman ay madaling malilimutan. Magkakaroon tayo ng mapagsikap na
gawi kung sasabihin natin sa ating sarili na pumapasok tayo sa paaralan dahil
nais nating magkaroon ng kaalaman. Kung ito ang ating isasa-isip, magkakaroon
tayo ng masidhing pagnanais na matutunan ang mga bagay na maaari nating magamit
tungo sa ating kaunlaran.
Dapat rin nating isaisip na hindi mahalaga man kung gaano
karami ang ating nakuha sa isang pagsusulit. Dahil sabi nga ni Thomas A.
Edison, “A sheet of a test paper doesn’t decide our future.” Dahil tayo ang
gumagawa ng ating sariling kapalaran. Di siya, sila. Tayo mismo.