Lunes, Pebrero 9, 2015

panghalip pamatlig: Kailanan at Kaukulan

Kailanan at Kaukulan ng Panghalip Pamatlig

Kailanan
Ang panghalip pamatlig ay may dalawang kailanan:
1. Isahan kung tumutukoy sa isa lamang
Hal: Napanood ko iyan sa telebisyon.
        Nanalo iyan sa labanan.
2. Maramihan kung tumutukoy sa marami
Pinararami ang panghalip pamatlig sa pamamagitan ng pagdaragdag ng salitang mga
Hal: Napanood ko ang mga iyan sa telebisyon.
Nanalo ang mga iyan sa labanan.

Kaukulan
Nahahati sa tatlong kaukulan ang panghalip pamatlig.
1. Panghalip pamatlig sa anyong "ang" (palagyo)
Ito ay panghalip na ginagamit bilang panghalili sa pangngalang pinangungunahan ng "ang" kaya ang gamit sa pangungusap ay bilang paksa.

Ito- malapit sa nagsasalita
Ito ang panyo ko.

Iyan- malapit sa kausap
Iyan ang panyo ko.

Iyon- malayo sa kapwa nagsasalita at kausap
Iyon ang panyo ko.

2. Panghalip pamatlig sa anyong paari
Ito ang panghalip na inihahalili sa pangngalang pinangungunahan ng ng kung isahan at ng mga kung maramihan kaya sumusunod ito sa gamit ng pangngalang pinapalitan.

a. Ang tungkulin nito ay napakahalaga.
b. Ang ang tungkulin ng mga ito ay hindi mapapalitan.

3. Panghalip pamatlig sa anyong palayon o paukol
Ito ay panghalip na inihahalili sa p[angngalang pinanagungunahan ng sa. Maaari itong gamiting tuwirang layon, tagaganap ng pandiwang balintiyak at layon ng pang-ukol.

a. Siya ay bumili nito sa botika. (tuwirang layon)
b. Binibili ng mga iyon ang aklat. (tagaganap ng pandiwang balintiyak)
c. Ang lapis na para sa mga iyon ay mahaba. (layon ng pang-ukol)

Ang mga pangngalan ay maaaring halinhan ng mga panghalip sa pamamagitan ng mga kaukulang ang, ng at sa.

Pangngalan sa Ang

Isahan
ang/si

Maramihan
ang mga/ sina

Panghalip panao sa Ang

Isahan
ako
ikaw, ka
siya

Dalawahan
kata/kita

Maramihan
tayo, kami
kayo
sila

Panghalip pamatlig sa Ang

Isahan
ito
iyan
iyon

Maramihan
ang mga ito
ang mga iyan
ang mga iyon

Pangngalan sa Ng

Isahan
ng/ni

Maramihan
ng mga/nina

Panghalip panao sa Ng

Isahan
ko
mo
niya

Maramihan
natin, namin
ninyo
nila

Panghalip pamatlig sa Ng

Isahan
nito
niyan
niyon, noon

Maramihan
ng mga ito
ng mga iyan
ng mga iyon

Pangngalan sa Sa

Isahan
sa/kay

Maramihan
sa mga/kay

Panghalip panao sa Sa

Isahan
sa akin
sa iyo
sa kanya

Dalawahan
sa kanita

Maramihan
sa atin, sa amin
sa inyo
sa kanila

Panghalip pamatlig sa maramihan

Isahan
dito
diyan
doon

Maramihan
sa mga ito
sa mga iyan
sa mga iyon


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento