Ang oras natin ay magkasalungat
Ang aking hapunan ay
Iyong umagahan"
Anong gagawin mo kapag nabasag ang mundo mo? Handa ka bang masugatan upang mabuong uli ito? Iiyak ka ba o hahagulgol lang? Magbibigti ka ba o magpapakamatay lang? Ngunit bago tayo magkaiyakan, gusto ko lang sabihin na hindi ito drama bagkus ito ay purong katangahan lamang.
Isa ka bang kabataang lulong sa droga? Marami ka na bang mundong napuntahan? Nakapunta ka na ba sa mundo ng barilan o counter strike? Eh sa maundo ng agrikultura o farmville? Eh sa labanan ng halaman at mga taong muling nabuhay o ang plant vs. zombies? Eh sa mundo ng instant noodles at kilogram o ang instagram? Eh sa mundo ng mga tsismosang ibon o twitter? Eh sa mundo ng mga may mukhang libro o facebook nakapunta ka na?
Nang dahil sa mga teknolihiya na naiimbento ngayon, hindi lang ang boyfriend o girlfriend mo ang tinuturing mong mundo. Marami na. Ang mga mundong ito ay nasa cellphone mo na. Ano nga ba ang dulot ng cellphone sa buhay ng tao? Nakakatawa mang isipin ngunit ang cellphone ko ang tinuturing kong kaibigan ko, kasama siya sa mga mundo ko. Sa tuwing ako'y malungkot, nariyan siya. Kapag ako'y masaya, nariyan pa rin siya.
Sa kabila ng mga naibibigay na saya ng aking cellphone, hindi ko siya pinahahalagahan. Nariyan iyong ilalagay ko siya kung saan-saan, lagi ko siyang nahuhulog, hindi ko siya chinacharge ng maayos at ginagamit ko siya kahit basa ang aking kamay.
Sabi nila, malalaman mo raw ang halaga ng isang bagay kapag wala na ito. At dumating ang puntong iyon. Setyembre 17, 2014. Nagmamadali kong hinugot ang cellphone ko mula sa charger ko. Malelate na kasi ako sa klase ko. Hindi ko namalayan na hindi ko ito nailagay sa bulsa ko ng maayos. Kaya.....
BLAAAAAAAAAAAAGGGGGGGG!
Dahan-dahan kong pinulot ang cellphone ko. Dinadalangin na sana hindi siya nabasag ngunit hayun nga nabasag ang kanyang LCD screen. Halos maiiyak ako noong mga sandaling iyon dahil bumabalik ang mga sandaling kasama ko siya. OA man kung OA pero ang hirap kapag ang isang bagay na matagal mong nakasama ay mawawala ng biglaan o masisira ito.
Isa lang ang natutunan ko ngayon, pahalagahan ang mga bagay habang nariyan pa. At laging iisipin na ang mga bagay ay parang tao rin.
Isa lang ang natutunan ko ngayon, pahalagahan ang mga bagay habang nariyan pa. At laging iisipin na ang mga bagay ay parang tao rin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento