Miyerkules, Oktubre 8, 2014

Laro ng Buhay

Laro ng Buhay
Ni: Rochelle B. Evangelista
BSEd-Filipino

Ang buhay ay isang laro at nasa kamay mo kung paano mo ito lalaruin. Ngunit, paano kung hindi mo hawak ang buhay mo? Ano ang gagawin mo?

"Naglalaro na naman siya ng chess mag-isa." Sabi ni Renelli, kaibigan ko. Hopeless romantic yan pagdating sa pag-ibig. Paano ba naman, sa dinami-dami ng lalaki sa mundo sa pinsan ko pa siya nainlove. Alam naman niyang wala siyang pag-asa kay Sebastian. Pero hintay-hintay lang Renelli dahil may maganda akong plano para sa iyo, may maganda akong laro para sayo.

"Ang weird talaga ni Evangs. Sabi ko laro kami pero ayaw niya." Iyan naman si Meshie. Hopless romantic din katulad ni Renelli. Ang alam ko inlove siya kay Adrien, childhood bestfriend niya. Pero hindi niya alam na gusto rin siya ni Adrien. Kakatawa no? Naghihintayan lang sila.

"Hayaan niyo na siya. Tara na sa canteen, naghihintay na ang aking love of my life." At iyan naman  si Vallen, ang nag-iisang may lovelife sa aming apat. Boyfriend niya si Chester, ang captain ng basketball team ng school  namin. Secret lang natin ito ha, ako kasi ang dahilan kung bakit ang napakatangkad na si Chester ay nainlove sa unanong si Vallen. Resulta iyon ng magandang laro ko. Natapos na ako sa buhay pag-ibig ni Vallen at para naman kay Meshie itong nilalaro ko ngayon.

"Tara na Evangs!" yaya sakin ni Meshie. Ako nga pala si Rochelle Evangelista o mas kilala sa tawag na Evangs. Bakit Evangs ang tawag sakin? Hay naku, ang habang kwento.

"Saglit lang naglalaro pa ako." sabi ko. Hindi pwedeng magulo ang laro ko. Kailangan bawat move planado at sigurado dahil bawat pagmove may consecquences na naghihintay. Kinuha ko ang itim na bishop ng biglang...

"Tama na nga yang paglalaro mo ng chess mag-isa. Mukha kang tanga." ginulo ni Meshie ang mga chess pieces at dahih doon nahulog ang ilang mga chess pieces kasama ang itim na king at queen.

"Anong ginawa mo Meshie?! Hindi mo dapat ginulo ang laro ko." Napasigaw ako sa pagkabigla.

"Pati yun lang. Tara na nga!" sinundan na ni Meshie sina Vallen at Renelli. Iniwan niya akong nakatulala sa classroom.

Oo, weird ako. Naglalaro ako ng chess mag-isa. Para sa akin, hindi iyon kabaliwan kundi isa iyong magandang libangan, isa itong laro ng buhay. At dahil sa nangyari, may mangyayaring hindi maganda. Nahulog ang itim na king at queen at kamatayan ang katumbas nun. Nanglulumo ako sa nangyari. Hindi pwedeng mamatay ang kaibigan ko at si Adrien . Isang masamang laro ang nangyari dahil sa hindi ko pag-iingat. Ang tanga mo Evangs! Ang tanga-tanga mo.

Hindi ko na pweedng baguhin o ulitin ang naging laro ko. Ang kaya ko lang ay magkontrol ng buhay ng tao gamit ang chess board na binili ko sa Game of Life. Dali-dali akong pumunta sa mall kung saan ko binili ang chess board. Kailangan kong malaman kung mayroon pang paraan para baguhin ang resulta ng naging laro ko.

"Oh ikaw pala chess gamer!" bati sakin ni Kuya Jaren, ang may-ari nitong Game of Life. Lahat ng binebenta nila dito may kapangyarihan.

"Evangs, may rules ang paglalaro ng chess. Touch move. Sinabi ko na sayo noon na bawat move may dalang consequences." sabi Kuya Jaren pagkatapos kong sabihin ang nangyari.

"Pero may paraan pa ba? Kahit na mababaw na consequences na lang ang mangyari sa kaibigan ko." pakiusap ko.

"Ang buhay ay isang laro at nasa kamay mo kung paano mo ito lalaruin. Pero this time, hindi hawak ng kaibigan mo ang buhay niya dahil mas pinili mong ikwa ang maglaro kaysa sa kanya. Accept the consequences." tumayo sa Kuya Jaren at pumunta sa counter ng shop. Sinundan ko siya.

"Paano kung sirain ko itong chess board?" tanong ko.

"Kapag sinira mo ang chess board may hindi lang ang kaibigan mo ang mamamatay pati na rin yun unang taong pinaglaruan mo." Wala na talaga. Kasalanan ko ito eh. Ano ba itong ginawa ko? Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Bumalik ako sa school at agad kong hinanap si Adrien. Kung wala na akong magagawa para baguhin ang nakatakda, mayroon pa akong pwedeng gawin para papano maibsan ang pagsisisi ko.

"Adrien!"

"Oh bakit Evangs?"

"Alam kong mahal mo si Meshie hindi bilang isang kaibigan. Kaya habang maaga pa sabihin mo na sa kanya. At sorry, sorry talaga Adrien." hindi ko na kayang pigilan ang mga luha ko kaya tumakbo ako paalis. Alam kong nagulat at naguluhan siya sa sinabi ko pero iyon na lamang ang pwede kong gawin kahit papano magkaroon sila ng happy ending. Happy ending talaga dahil wala silang happy ever after.

Kinahapunan, nalaman kong nagtapat na si Adrien kay Meshie. Kitang-kita kong paano naging masaya si Meshie.

Sana hindi ko na lang kinontrol ang buhay ng mga kaibigan ko. Nagsisisi ako kung bakit ko kinon

Martes, Oktubre 7, 2014

Anekdota: Pagkabasag ng Mundo ko

"Dito ay umaga at dyan ay gabi
Ang oras natin ay magkasalungat
Ang aking hapunan ay
Iyong umagahan"

Anong gagawin mo kapag nabasag ang mundo mo? Handa ka bang masugatan upang mabuong uli ito? Iiyak ka ba o hahagulgol lang? Magbibigti ka ba o magpapakamatay lang? Ngunit bago tayo magkaiyakan, gusto ko lang sabihin na hindi ito drama bagkus ito ay purong katangahan lamang.

Isa ka bang kabataang lulong sa droga? Marami ka na bang mundong napuntahan? Nakapunta ka na ba sa mundo ng barilan o counter strike? Eh sa maundo ng agrikultura o farmville? Eh sa labanan ng halaman at mga taong muling nabuhay o ang plant vs. zombies? Eh sa mundo ng instant noodles at kilogram o ang instagram? Eh sa mundo ng mga tsismosang ibon o twitter? Eh sa mundo ng mga may mukhang libro o facebook nakapunta ka na?

Nang dahil sa mga teknolihiya na naiimbento ngayon, hindi lang ang boyfriend o girlfriend mo ang tinuturing mong mundo. Marami na. Ang mga mundong ito ay nasa cellphone mo na. Ano nga ba ang dulot ng cellphone sa buhay ng tao? Nakakatawa mang isipin ngunit ang cellphone ko ang tinuturing kong kaibigan ko, kasama siya sa mga mundo ko. Sa tuwing ako'y malungkot, nariyan siya. Kapag ako'y masaya, nariyan pa rin siya. 

Sa kabila ng mga naibibigay na saya ng aking cellphone, hindi ko siya pinahahalagahan. Nariyan iyong ilalagay ko siya kung saan-saan, lagi ko siyang nahuhulog, hindi ko siya chinacharge ng maayos at ginagamit ko siya kahit basa ang aking kamay.

Sabi nila, malalaman mo raw ang halaga ng isang bagay kapag wala na ito. At dumating ang puntong iyon. Setyembre 17, 2014. Nagmamadali kong hinugot ang cellphone ko mula sa charger ko. Malelate na kasi ako sa klase ko. Hindi ko namalayan na hindi ko ito nailagay sa bulsa ko ng maayos. Kaya.....

BLAAAAAAAAAAAAGGGGGGGG!

Dahan-dahan kong pinulot ang cellphone ko. Dinadalangin na sana hindi siya nabasag ngunit hayun nga nabasag ang kanyang LCD screen. Halos maiiyak ako noong mga sandaling iyon dahil bumabalik ang mga sandaling kasama ko siya. OA man kung OA pero ang hirap kapag ang isang bagay na matagal mong nakasama ay mawawala ng biglaan o masisira ito.

Isa lang ang natutunan ko ngayon, pahalagahan ang mga bagay habang nariyan pa. At laging iisipin na ang mga bagay ay parang tao rin.

Matang Tinakpan

Matang Tinakpan
ni: Rochelle Evangelista

Lumingon doon, lumingon dito
Di ko alam kung ba't naparito
Sa mundong puno ng pagkalito
Kung saan may mapanghusgang tao

Kagandahan, ano nga ba ito?
Mukha ba ang basehan ninyo?
Oo, ang sama ng itsura ko
Subalit, hindi ang aking puso

Sabi nila, matangkad raw ako
Ngunit kagandaha'y nakatago
Pinupuna ang kakayahan ko
Mimaliit ang pagkatao ko

Gaano man kaitim ang aking anyo
Ngunit 'di ang aking pagkatao
Mga nanghuhusga, sino ba kayo?
Matang tinakpan ay buksan ninyo