Sabado, Setyembre 12, 2015

Tekstong Informativ

House Probe Hinggil sa Power Rate Hike

Hango sa Pahayagang NGAYON ni Gemma Garcia (Hulyo 15, 2012)

Pinaiimbestigahan na rin ni Rep. Ma. Theresa Bonoan-David sa kamara ang walang tigil na pagtataas ng singgil sa kuryente at ang patuloy na petisyon ng power providers para magtaas ng singgil ng kuryente.

Nakasaad sa inihaing resolusyon ni Bonoan-David, na siya na ring Vice Chairman ng House Committee on Globalization, dapat na imbestigahan at alamin ng Kamara kung makatwiran pa ang serye ng petisyon ng Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation, Meralco at Grid Corporation of the Philippines.

Ayon sa mambabatas, sunud-sunod na power rate hikeay hindi lamang dagdag pabigat sa mga ordinaryong power consumers kundi maging sa iba't ibang negosyo na rin. Sigurado umano na magtataboy ito ng mamumuhunan dahil magastos ang opreasyon ng negosyo sa bansa sa laki ng singgil na kuryente.

Sa halip, ang Pilipinas pa ang may pinakamataas na singgil ng kuryente sa buong mundo sa kabila ng mahigit na isang dekadang implementasyon ng Epra Law.

Ang K to 12 Basic Education Curriculum
Hango sa Liwayway ni William P. Nucasa
(Hulyo 16, 2012)

Inumpisahan na ngayong Panuruang Taon 2012-2013ang pagpapatupadng grade1 at 7 sa ilalim ng Programang K-12. Ayon kay Dr. Marilyn D.Dimaano, OIC ng Bureau of Elementary Education ng Department of Education (DepEd), kumpara sa dating kurikulum ay walang gaanong ikinaiiba ang bagong kurikulum ng elementarya.

Ang bagong paggamit ng mather tongue bilang medium of instruction mula kindergarten hanggang grade 3; pagpasok ng mother tongue bilang bagong asignatura; at pagdaragdag ng Music, Arts, Physical Education< Health (MAPEH) sa mga asignatura sa grade 1.

Ang K to 12 ay isang magandang kurikulum ayon kay Bro. Armin A. Luistro, kalihim ng Departamento ng Edukasyon (DepEd). Nilikha ito ng mga Pilipino para sa kapwa Pilipino. Ito ay kurikulum na maaaring itapat sa kurikulum ng anumang bansa sa alinmang bahagi ng mundo sapagkat pinagsama-sama rito ang lahat ng pinakamahuhusay na kasanayan ng mga guro, ng mga administrador ng paaralan at mga curriculum writers. Handog natin sa 21st century Filipinos.

Mga Benepisyo sa K-12

Pinaluwag ng pinagyamang kurikulum ang akademikong gawain. Layunin nitong linangin ang mga mag-aaral sa lahat ng aspeto. Bilang katunayan, bibigyan nito ang mga mag-aaral ng higit maram,ing oras upang linangin ang kani-kanilang mga kakayahan, upang makabahagi sa co-curricular activities at makisangkot sa aktibidad sa lipunan.

Sa K-12, ang ating graduates ay higit na handa sa pagpasok sa lalong mataas na edukasyon. Sa loob ng programa ay magtataglay sila ng mga kasanayan at kakayahang akma sa pangangailangan ng job market. Magkakaroon sila ng certificate of proficiency, certificate of competency o national certification sa larangan ng espesyalisasyon gayundin, dahil sa K-12 ay kikilalanin na sa ibang bansa ang Filipino graduates at Filipino professionals.

Ang K-12 ay makatutulong din upang umangat ang ating ekonomiya. Pinatutunayan ng ilang pag-aaral na ang pagpapaunlad sa kalidad ng edukasyon ay nakapagpapaangat sa GDP growth hanggang 2%. Mabisang sandigan sa pangmatagalang socio-economic development ang lipunang dumaan sa de kalidad na edukasyon.

Buhay at Tagumpay ng Henry Sy

Madalas makita sa magarang tindahan ng SM Makati ang may-ari nito, na walang iba kundi si Henry Sy. Konserbatibo siyang manamit, ngunit elegante na nagpapaiba sa kanya sa karamihan.

Sinasabi ng karamihan na ang SM ay isang lugar upang makapag-shopping; ipinagmamalaki rin ang bangko, at ang fast food sa loob nito.

Sino ang mag-aakalan na ang may-ari nito, na nagbuhat  sa China at dumating sa Pilipinas sa edad na labindalawa, ay nagsimulang magtrabaho sa tindahang sari-sari ng kanyang ama.

Ayon sa pagsasalaysay ng nakipanayam sa opisina ni G. Sy sa Makati Stock Exchange Bldg., ang kanyang opisina ay angkop na angkop sa pinuno na may sampung korporasyon. Larawan siya ng mapayapang tao. Pangkaraniwan ang kasuotan, wala siya kahit anong alahas, kuntento siya bilang tao, at naramdaman niyang di kailangan ng ano man sa katawan, bilang simbolo ng kayamanan.

Kung pag-uusapan ang kabataan, tinawag niya ang kanyang sarili na mapangarapin. Madalas na pangarap niya ang magbiyahe sa buong mundo at sa pag-asa na maging totoo, sumali siya sa navy. Ang pangarap niya na makapagbiyahe sa buong mundo ay natupad. Nagbiyahe siya sa Japan, Amerika at Europa para sa fashion shows upang kumuha ng ideya para sa kanyang tindahan.

Kung babalikan ang kanyang pagtitinda ng sapatos ,nagdanas siya ng kahirapan noong panahon ng Hapon. Nawala ang lahat halos ng kanyang pinaghirapan.

Ang kaginhawaan ay bumalik sa Pilipinas matapos ang liberasyon. Iniisip niya ang pangangailangan ng sapatos. Nagbukas siya ng kanyang unang tindahan ng sapatos. Nang lumabas ito, muli siyang nagbukas ng marami, sa pag-asa na ito ay makarating pa ng Amerika. Matapos siyang makapagbukas ng anim na tindahan, nabigo siya sapagkat kulang na ang magdadala sa kanya ng sapatos na kailangan ng kanyang tindahan.

Inilipat niya ito sa damit, kasama na ang lakas at tibay ng loob. Ang unang "Shoemart" ay binuksan sa Rizal Avenue sa Maynila noong 1958. Marami na siyang tindahang itinayo, subalit may plano siyang magtayo ng higit na malaki, 80,000 metrong parisukat ang luwang at limang palapag. Ito ang magiging pinakamalaking tindahan sa Southeast Asia. Ayaw pa niyang ipaalam ang kanyang pangarap hangga't di pa ito nagsisimula.

Dala ng kanyang malaki at mataas na layunin, siya ay nagsimula ng matataas na gusali sa bansa, sa Makati Tuscany sa Ayala Avenue, kinalalagyan ng magagara at malalaking bahay. apartament at istudyo. Marami raw siyang pangarap at gusto niyang matupad ito.

Pinayuhan niya ang mga gustong tumulad sa kanya. Huwag mahihiya, dapat malakas, hindi mahina. May kakayahan na lumaban kung sakaling malugi sa negosyo. Magtrabaho ng 8 hanggang 10 oras araw-araw, 7 araw sa isang linggo. Nakatatanggap daw siya ng kasiyahan sa gawain. Hindi raw siya nagtratrabaho dahilan sa pera, seguridad, lakas at pagkakaroon ng magagandang bagay, bagkus para sa katuparan ng pangarap at pag-asa. Ang isang tao na apat na oras nagtratrabaho at ikaw ay labindalawa, kahit mahusay siya, tatlong beses kang nagunguna sa kanya, higit kang mangunguna.

Bagama't ninais niyang tumigil matapos ang edad limampu, naramdaman niya ang pangangailangan na magpatuloy siya sa gawain, dahil ang mga lumilinang ng SM ay pumipili ng magandang lugar. Ang mga tao naman ay tinatangkilik ang SM at ang mga nagdadala ng paninda ay patuloy pa.

Ang huling payo niya ay magkaroon ng plano. Ipagpatuloy ang trabaho, magkaroon ng tamang desisyon at wastong pakikibagay sa mga pangyayari. Hindi siya umaasa sa swerte. Nagsalita siya sa mga bagay na praktikal, hindi lang batay sa teknikal.

Si Henry Sy ay walang takot sa malaking pangarap na hindi ginagawa ng maraming tao. Ginawa niyang makatotohanang libu-libong tao araw-araw ang nakikibahagi sa SM.


Kasaysayan

Ano ba ang ibig sabihin ng kasaysayan? Sang-ayon sa isang aklat, dalawa ang maaaring ipakahulugan nito. Sa orihinal na depinisyon, ito ay ang mga tala ng mga pangyayari sa mga pangyayari sa mga sinaunag tao. Ngunit sa kasalukuyang panahon, binigyan ng mga historador o ang mga taong dalubhasa sa pag-aaral ng kasaysayan ng makabagong kahulugan na kung saan, ito kinakabit  na rin sa mismong aktwal na mga sinaunang kaganapan hindi lamang sa buhay ng tao kundi maging sa kalikasan din.

Sa pagdaan ng maraming panahon ay nadaragdagan ang mga pahina ng kasaysayan. Mga kasaysayan ng mga dakilang tao, mga natatanging pangyayari at ilan pang maituturing na nating "panukalang bato" sa ating patuloy na pagtahak sa kinabukasan at ilan pang mga kaganapan ang gugulantang sa ating mga kamalayan. Ngunit ano nga ba ang kahalagahan ng mga pag-aaral na ukol dito?

Ang pagbabalik-tanaw sa mga kahanga-hangang mga personalidad at mga mahahalagang kaganapan ng nakaraan ay lubhang napakahalaga dahil ito ay magbibigay sa atin  ng kalinawan sa mga katanungan ng ating  isipan. Isa pa, ang pag-aaral ng kasaysayan ay magbibigay sa atin hindi laman ng mga dagdag kaalaman kundi lubos na kaligayahan sa mga masalimuot na yugto ng mga pangyayari. Sa tulong ng mga karagdagang pananaliksik, lalo pa naying maiintindihan ang kanilang mga naiambag sa nakalipas na siyang dahilan ng ating pagkakaabot sa kasalukuyang panahon.