Rochelle B. Evangelista
Karen Joy V. Repones
II-BSEd-FILIPINO
MGA HAKBANG SA PAGBUO NG PAGSUSULIT
Layunin:
1.
Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng pagsusulit.
2.
Nagagamit ang mga hakbang na ito sa pagbuo ng mabisang pagsusulit.
3.
Nalalaman ang kahalagahan ng mga hakbang na ito sa pagbuo ng
pagsusulit sa pagtuturo sa hinaharap.
Pagtalakay:
Hakbang sa Pagbuo ng Pagsusulit
I. Pagpaplano ng Pagsusulit
A. Tukuyin ang layunin ng pagsusulit
1. Sukatin ang kasanayang
natutuhan o hindi natutuhan sa loob ng isang semester o taon.
2. Matukoy kung alam na ng
mga mag-aaral ang mga kinakailangang kasanayan bago simulan ang isang kurso.
3. Matukoy kung alin sa
mga kasanayan sa isang aralin ang alam ng mag-aaral at hindi na kailangang
ituro pa.
4. Matiyak kung mabisa ang
pamamaraan ng pagtuturo.
5. Matiyak kung mabisa ang
mga aklat na ginagamit.
B. Tukuyin ang mga
kasanayang susukatin ng pagsusulit.
Ang mga kasanayan ay
nakasaad sa talaan ng mga kasanayan na nasa Elementary Learning Competencies
para sa elementarya at Philippine Secondary Schools Learning Competencies para
sa mataas na paaralan, o mga silabus.
Halimbawa ng mga
kasanayan:
Wika: Nagagamit nang
angkop at wasto sa pangungusap ang mga bahagi ng pananalita.
Pagbasa: Naibibigay ang
pangunahing kaisipan, ideya o paksang binasa.
C. Paghahanda ng
Talahanayan ng Ispesipikasyon
Ang Talahanayan ng
ispesipikasyon ay isang kagamitang nagpapakita ng isang masistematikong
pamamaraan ng pagtatakda ng lawak ng paksang sasaklawin ng pagsusulit at ng
bilang ng mga aytem na gagawin para sa bawat kasanayang susukatin.
Dalawang Uri ng
Talahanayan:
1. Isahang hanay (one-way
grid)
>Karaniwang ginagamit
sa mga asignaturang pangkasanayan, "skill subject" gaya ng pagsusulit
sa wika at kung minsan ay sa Matematika.
2. Dalawahang hanay
(two-way grid)
>Karaniwang ginagamit
sa mga asignaturang naglilinang ng hindi lamang kaalaman sa paksa o nilalaman
ng kurso kundi maging mga kasanayan sa Agham, Araling Panlipunan at Panitikan.
Paghahanda ng Talahanayan
ng Ispesipikasyon:
1. Isulat ang mga layuning
pangkagawian (behavioral objectives) batay sa mga kasanayang susulitin.
2. Pagpasyahan kung alin
sa mga layunin ang bibigyan ng diin ayon sa kahalagahan ng mga ito. Ipakilala
ang pagbibigay diin sa pamamagitan ng pagbabahagdan (percentage). Batay sa
bahagdang iniatas sa mga layunin o kasanayan, tukuyin ang bilang o dami ng mga
aytem.
3. Pagpasyahan kung anong
uri ng pagsusulit ang gagamitin.
II. Paghahanda ng
Pagsusulit
A.
Isulat ang aytem
Gamitin ang talahanayan ng
ispesipikasyon bilang patnubay. Makabubuting sumulat ng higit na maraming aytem
kaysa nakasaad sa talahanayan ng ispesipikasyon upang may ipalit sa mga aytem
na may kahinaan. Isulat ang bawat kasanayan sa isang papel. Sa ibaba nito,
sumulat ng iba't ibang uri ng aytem ayon sa napagpasyahan.
B. Suriin ang mga aytem na
isinulat.
Makabubuti kung ipasuri ng
isa o dalawang kaguro ang mga aytem. Makabubuting masubok ang mga aytem sa
ilang mag-aaral upang malaman kung malinaw ang panuto at ang mismong aytem,
kung mapang-akit ang mga distraktor, at kung may aytem na napakadali o
napakahirap.
Tiyakin na:
1. Sinusubok ng bawat
aytem ang isang kasanayan sa talahanayan ng ispesipikasyon.
2. Akma sa sinusubok na
kasanayan ang bawat uri ng aytem.
3. Malinaw na nakasaad ang
hinihingi ng aytem.
4. Tama ang kahirapan ng
aytem sa mga kukuha ng pagsusulit.
5. Walang mga hindi
kailangang salita o pahiwatig ang aytem.
6. Walang kinikilingang
isang kultura o relihiyon ang aytem.
7. Hindi kinuha ang mga
aytem sa aklat o aklat sanayan.
8. May sapat na dami ng
aytem sa bawat layunin sa talahanayan ng ispesipikasyon.
C. Ayusin ang mga aytem sa
pagsusulit
1. Pagsama-samahin ang mga
aytem na magkakauri.
2. Ayusin ang mga aytem
ayon sa kahirapan; mauuna ang madadaling uri ng aytem bago ang mahihirap;
halimbawa, ang pagsusulit na may pinagpipiliang sagot ay dapat mauna sa
pagsusulit na pagpupuno sa patlang. Ang mga aytem sa bawat uri ng pagsusulit ay
dapat ding ayusin.
D. Ihanda ang mga panuto
Gawing simple at maikli
ang mga panuto.
Kung mahaba ang pagsusulit
na binubuo ng iba't ibang uri ng aytem, sumulat ng panlahat na panuto bukod sa
mga tiyak na panuto para sa bawat uri ng pagsusulit (subtest). Ang
panlahat na panuto ay dapat magbigay ng sumusunod na impormasyon.
1. ang lauynin ng
pagsusulit
2. ang mga bahagi ng
pagsusulit
3. paano ang pagsagot sa
mga aytem
4. ang panahong nakalaan
sa pagsagot ng pagsusulit
E. Ihanda ang mga sagot sa
pagsusulit. Tiyaking isa lamang ang tamang sagot sa bawat aytem.
III. Pagbibigay ng
Pagsusulit
IV. Pagwawasto ng mga
papel
V. Pagpapahalaga ng
pagsusulit.
Mga
Tanong:
1. Ito
ay isang kagamitang nagpapakita ng isang
masistematikong pamamaraan ng pagtatakda ng lawak ng paksang sasaklawin ng
pagsusulit.
2.
Ito ay karaniwang ginagamit sa mga asignaturang pangkasanayan,
"skill subject" gaya ng pagsusulit sa wika at kung minsan ay sa
Matematika.
3.
Ito ay karaniwang ginagamit sa mga asignaturang naglilinang ng
hindi lamang kaalaman sa paksa o nilalaman ng kurso kundi maging mga kasanayan
sa Agham, Araling Panlipunan at Panitikan.
4.
Ito ay dapat gawing simple at maikli.
5-6.
Ang dalawang uri ng talahanayan.
Mga Sagot:
1.
Talahanayang Ispesipikasyon
2.
Isahang hanay (one-way grid)
3.
Dalawahang hanay (two-way grid)
4.
Layunin
5.
Talahanayang Ispesipikasyon
6.
Isahang hanay (one-way grid)